Thursday, December 26, 2013

Ang Tunay Na Pag-ibig ni Graciella

Released: December 2013

“Since that day you told me to stay away from you, you also took away my only reason to live.”

Romance writer si Graciella pero kabaliktaran ng magagandang kuwentong isinusulat niya ang kanyang love life. Isa siya sa mga taong allergic sa salitang “commitment” at “relationship.” Paano ba naman, sinalo na yata niya ang lahat ng kamalasan sa pag-ibig. Hindi niya maintindihan kung ano ang mali sa kanya at lagi na lamang siyang niloloko at iniiwan ng mga lalaking minahal niya. Hanggang sa nakilala niya ang certified hot bachelor na si Tristan. Dahil sa isang pustahan, they ended up sleeping together. Ang akala niya ay hanggang doon lang iyon. After all, wala silang relasyon, walang emosyong involved. Pero nang pagtagpuin uli sila ng tadhana, they realized that they felt a “magical spark.” Naulit ang mainit na tagpo sa pagitan nila.

Subalit hanggang kailan siya makokontento sa ganoong setup nila?

Monday, December 9, 2013

 SOMEWHERE I BELONG

December 2013

"Hindi na kita hahayaang mawala pa sa paningin ko. i can't be without you."

Pagkalipas ng labintatlong taon ay nakalakas-loob si Lianne na harapin uli ang kanyang ama na umabandona sa kanya - hindi para makipagbati rito kundi para kunin ang kanyang mana. Kailangan kasi niya ng pera para maisalba ang bahay at restaurant na iniwan sa kanya ng namayapa niyang ina.

Her father offered her a deal. Ibibigay nito sa kanya ang mana niya kapalit ng isang buwang pananatili niya sa piling nito. At  kasama na rin doon ang pagsunod niya sa lahat ng nais nito. Tinanggap iyon ni Lianne kahit labag sa kalooban niya.

Napilitan siyang magtrabaho sa kompanya ng pamilya nila sa ilalim ng pamamahala ni Xander, ang binatang kinupkop at pinalaki ng kanyang ama na parang isang anak. Malaki ang galit niya rito. Pakiramdam kasi niya ay inagaw nito ang atensiyon at pagmamahal ng kanyang ama na dapat ay sa kanya.

Ngunit dahil palagi niyang nakakasama si Xander, unti-unting lumalambot ang puso niya para dito. Hanggang sa aminin niya sa kanyang sarili na mahal na niya ito. Pero isang lihim sa kanyang pagkatao ang nadiskubre niya na magiging dahilan para kusa siyang lumayo sa piling nito.

Thursday, October 10, 2013

Nathalie's Romance

“Kanya na lahat ng gusto niya, dalawang kamay ko pang iaabot ang mga iyon. Pero kung pati ikaw ay kukunin niya, hindi ako papayag. Mamamatay muna ako bago ka niya makuha. Ikaw na lang ang mayroon ako.”

Zigmund was shocked nang malaman niya ang nilalaman ng testamento ng lolo niya. Ipinamana nito sa kanila ng kababata niyang si Nathalie ang mga pag-aari nito at makukuha nila ang mga iyon sa isang kondisyon: magpapakasal sila.

He hated Nathalie instantly sa paniniwalang inuto nito ang lolo niya para iyon ang ilagay nito sa testamento. Pumayag siyang pakasal dito, but he promised to make her life miserable. Pero bakit ganoon? Bakit hindi niya magawang panindigan ang pananakit sa dalaga?

Heaven's Love

“Papatulan ko lahat ng kabaliwan mo, just to make sure na hindi ka mawawala sa akin. I’d rather look stupid than to spend my whole life without you near me.”
Hindi inaasahan ni Heaven na tototohanin ng kanyang ama ang sinabi nito na ipinagkasundo siya nito kay Kurt Tan. Kapag hindi raw siya nagpakasal kay Kurt, kahit singkong duling ay wala siyang matatanggap na mana. Pero sadyang matigas ang ulo niya. Tumakas siya. Wala siyang alam na mapupuntahan maliban sa bahay ng kaibigan niya noong college. Kaya bitbit ang napakataas na pride niya ay nagtungo siya sa isang liblib na bayan sa Quezon para doon magtago.

Doon niya nakilala si Christian Opeda. She fell in love with him. Masaya na sana siya sa bagong buhay niya pero noon naman siya natunton ng mga magulang niya. Kulang na lang ay magmakaawa siya para lang hayaan na siya ng mga ito. At halos mamatay siya nang malaman niyang ang nagturo ng kinaroroonan niya ay ang walanghiyang si Christian!

Sunday, August 18, 2013

Finally Found You

Released: August 20, 2013

“Love is something that won’t ever fade. Once you really love someone, that person will stay in your heart forever.”

Arabella’s almost perfect world shattered when her fiancĂ© went missing on the day of their wedding. Ang masakit ay wala man lang itong ibinigay na matino at katanggap-tanggap na rason kung bakit iniwan siya nito.

Pinayuhan siya ng kaibigan at boss niya na magbakasyon muna siya para makapagpahinga at makapag-isip-isip. Nai
sip niyang tama ito kaya pumayag siya sa suhestiyon nito na sa rest house ng pamilya nito sa Quezon magpunta.

Ang akala niya ay makakapagbakasyon siya nang maayos doon, pero isang gabi pa lamang siya sa pananatili roon ay dumating na ang isang napakaaroganteng lalaki na sumira ng pamamahinga niya—si Jared. Pinsan ito ng boss niya at naroon din para magbakasyon. Pagkatapos ng matinding diskusyon ay nagkasundo sila ni Jared na manatili roon.

Magkasama sila sa rest house ngunit wala silang pakialam sa isa’t isa. Pero sadyang mahirap iwasan ang atraksiyong nararamdaman niya para dito. This beast was so damn hard to ignore!

Tuesday, July 30, 2013

FINDING SAMARA

Released: July 30, 2013

“Sana ang puso katulad ng kotse na puwedeng mag-detour. Para kapag nahihirapan nang dumaan sa highway, puwedeng umiwas.”

Desperado na si Ivan na makakita ng perpektong modelo para sa bagong magazine na ilo-launch ng kanilang kompanya. Ilang baguhang modelo at artista na ang ipinrisinta niya sa editor niya at sa publisher ng magazine pero walang pumapasa sa panlasa ng mga ito. Ang dapat daw ay fresh face.
Hanggang sa matagpuan niya ang hinahanap sa katauhan ni Samara, ang simple at kulang sa self-confidence na dalagang nag-intermission number sa isang beauty pageant sa hometown niya sa Bicol nang minsang makuha siya para mag-judge sa patimpalak. He helped her to develop self-esteem.
And eventually Samara bloomed.
Pero ano’ng nangyari at tila nagbago ang isip niya? Ngayon ay gusto na lamang niyang itago ito at angkinin ang kagandahan nito.

Saturday, July 20, 2013

Poem (pang-sawi sa pag-ibig)

wala ako magawa last night kaya kinalkal ko ang cellphone ko at nag-delete ako ng mga ka-something-an.. then i saw this poem na ginawa ko noong nagkakalabuan kami ng ex ko na itago natin sa pangalang "Ryan" (wahahah.. itago pa daw ba! yan ang name nya! =)  )


Is it going to end this way?
I just can't say come what may..
I still pray that you will stay
Still hope that your love won't fade away..

I don't know how to live each day
Without a call or text that just says hey
Is this the price i need to pay
For all the things I've done the wrong way

There's nothing I won't give away
Just to have you and hold you each day
For without you my life would be astray
I won't last for another day

Tuesday, July 9, 2013

beyond...

On my way home from our brainstorming/workshop (while nasa taxi ako), ni-replay ko sa utak ko ang mga nangyari at napag-usapan namin kanina. It was an interesting topic, indeed.  Natutuwa ako na binibigyan kami ng chance ng publishing na mag-experiment at i-try na palawakin ang skills namin sa pagsusulat.
Kanina binigyan nila kami ng activity. We need to come up with a story in 15 minutes gamit `yong tatlong…ano bang tawag dun? Material? Idea? Idea… Isang nabubulag, isang sirkera at isang taxi… challenging `di ba? and the story should be sensual and mature. The story that I came up to wasn’t that good (for me, ewan ko sa kanila.. kasi naman 15minutes nakakaloka bumuo ng story sa ganoon kaikli na time) pero natawa ako (at pati na rin sila Sir) dun sa ginawa kong ending, pinapangit ko kasi `yong heroine. But my point was, dun ko ipapasok `yong realization no’ng heroine na mahal lang talaga siya ng hero. Pero sabi ni Sir Jun, “very brave ang idea ko”… ang tanong ano ibig niyang sabihin doon? Was that a compliment? (Ayaw ko nang alamin.. LOL! Basta for me may something sa sinabi niya =P)
Anyway, `yon nga noong pauwi ako, I asked myself “kaya ko na bang lumabas sa comfort zone ko?” My editor told me na kaya ko (mas greater ang faith nya sa akin keysa sa meron ako sa sarili ko). There are lots of ideas/plots na pumasok sa isip ko sa five years na ipinagpahinga ko sa pagsusulat… may fantasy (sefethavia), family oriented (Eba), drama (withered rose), sensual (Kiko’s Mistress) etc.. Lahat sila may synopsis na at naghihintay na lang na isulat ko.. but since nasanay ako sa genre ng romance takot akong gawin kaya hanggang ngayon synopsis pa rin sila..  pero andoon sa isang bahagi ng utak ko ang nagsasabi na lumabas ka lumabas ka! pero paano ko gagawin, `yon ang `di ko alam… hayzt.. ang hirap ng ganito.. nasabi ko na ba na isa sa mga greatest and wildest dream ko mula pa noong 16 years old ako  ay ang maging Palanca Awardee? Haha.. paano kaya mangyayari `yon kung ganito naman kalaki ang takot sa dibdib ko? ultimo sa pagsasalita kanina para ikwento ang nagawa kong story nanginginig ako.. hahaha.. mukha lang makapal ang mukha ko pero sa totoo lang mahiyain ako.. super…

…ayun.. nakakaloka.. pero kelangan ko itong pag-isipan.. 

Tuesday, July 2, 2013

Huwag Ka Nang Mawawala


Released: July 2, 2013

Akala ko, sapat na sa akin `yong mag-isa ako. Akala ko, kompleto na ako basta kasama ko lang ang pamilya at mga kaibigan ko. Pero dumating ka… I don’t know how you did it, but you changed me.”

Limang taon na ang nakalilipas mula nang mabigo at masaktan si Enrico, dahilan para mahirapan siyang buksan uli ang kanyang puso sa ibang babae. Until he met Anezka. Makulit, carefree, at bubbly si Anezka pero pagdating sa mga lalaking nanliligaw ay ilag ito.

At hindi napigilan ni Enrico ang sariling ma-attract dito.
Nang sabihin niya rito ang nararamdaman niya ay umamin din ito na may feelings ito sa kanya. Ang problema ay ayaw naman nito ng commitment kaya pinilit niya ang sariling makontento sa kung anumang mayroon sila sa ngayon. But he gave his best to prove to her that he deserved her love.
Akala niya ay maayos na ang lahat sa pagitan nila, pero dumating ang isang Reagan Benitez. Hindi niya alam kung sino ang lalaki sa buhay ng dalaga, pero nasisiguro niyang si Reagan ang dahilan ng panlalamig ni Anezka sa kanya.

Ngayon lang uli siya nagmahal at hindi niya basta isusuko si Anezka nang ganoon kadali.

For The Love of Jasmine


released: July 2, 2013


“I’m willing to give up everything for you. Please be fair. Ipaglaban mo rin ako kahit paano.”

Hindi maintindihan ni Jasmine kung bakit hindi maalis-alis sa isip niya si Vince mula nang makilala niya ito sa birthday party ng kanyang kaibigan. Dapat pa nga ay mainis siya rito dahil kung makatingin ito ay parang sinasabi nito sa kanya na hindi siya ang ideal woman nito. Pero subukan man niyang kalimutan ito ay hindi niya magawa.
Hanggang sa isang araw ay bigla na lamang itong sumulpot sa ospital na pinagtatrabahuhan niya—at nakikipagkaibigan.
Laking tuwa ni Vince nang tanggapin niya ang pakikipagkaibigan nito. Parang sinasabi rin ng puso niya na tama ang ginawa niya. Naging simula iyon ng magandang samahan nila. Ipinaramdam sa kanya ni Vince kung gaano siya kahalaga rito. That was why she was willing to give her all. Ngunit isang katotohanan ang biglang parang bombang sumabog sa harap niya. At iyon na yata ang tuluyang magpapaguho sa mundo niyang minsang naging makulay dahil kay Vince.





Saturday, May 25, 2013

Caught Up In Rapture

“From the very start, ipinaramdam ko na sa `yo na mahal kita. Ano pa ba ang kulang to make you feel secure?” 


Wala sa plano ni Kristine na ma-involve sa kahit kaninong lalaki. Kaya nga kung kani-kanino na siya ipinapa-date ng mga kaibigan niya pero wala pa ring nangyayari. Kulang na lang din ay ipagtulakan siya ng mga magulang niya para makipagrelasyon. Pero nanatiling nakatuon sa career ang atensiyon niya. She enjoyed being single. Sabi nga niya, “No commitment, no complications.”


Hanggang sa makilala niya si Richmond, ang bagong prospect ng mga kaibigan niya na i-match sa kanya. Kahit anong pagtataray ang gawin niya ay hindi iyon naging hadlang para ituloy ni Richmond ang panliligaw sa kanya. Para dito, isa siyang challenge na hindi nito puwedeng palampasin.
And he succeeded.

Kristine was starting to fall for Richmond when Shantal came. At tila walang balak ang babae na tigilan ang paghadlang sa pagmamahalan nila ni Richmond.
Hindi pa man sila nagkakarelasyon, problema na agad ang hatid ng lalaki. Sabi na nga niya, “No commitment, no complications.”

Friday, May 24, 2013

The Beginning


Trip ko lang po i-kwento ang story ko Kung interesado po kayo then basahin ninyo, kung hindi naman ok lang, im not insisting naman na uou read this.. =)

To begin with... I used to write poems and short stories and even script for our school plays back in high school... Dun ko nadiscover na may talent ako sa pagsusulat. Akala ko kasi before ang talent ko pag-draw at pag-paint kaya naman nung elementary ako nag-enroll pa ako sa isang art workshop, tapos inisip ko din na may talent ako sa pagkanta (pero sabi nga ng tatay ko: "Magtigil ka nga sa pagkanta! Daig mo pa ang palaka kung makakokak!), tapos sa pagsayaw (ito positive naman ng konti, hahaha.. Oi Dance Empress ito nung college ha!). Ayun po sa tinagal-tagal ng panahon nalaman ko na may natatago akong talento sa pagsusulat.

back in high school all my friends were sobrang addict sa PB. Yung tipong akala mo nagbabasa ng libro un pala dun kasi nakaipit ang PB. Then one of them (Ate Jo) told me na "gumawa ka rin kaya ng ganito?" sabay abot niya sa akin ng isang pocketbook ni Martha Cecilia. That was my first time na magbasa ng PB, kasi po bawal un s house namin, sinusunog ng mama ko ang mga PB ng tita ko dati, kasi daw abala daw un sa pag-aaral. (Balik tau sa kwento)...After ko mabasa ang unang PB na un, humiram pa ako ng 2 pa. Pinag-aralan ko ang format at pati na rin ang pag-deliver ng lines, point of view, etc.. At saka ko sinimulan ang kauna-unahang nobela ko, it's about Giancarla and Bernard (d ko na ma-dig s memory ko ung title). It took me 2 months to finish my first story, after n'on ipinahirap ko 'yon sa mga kaibigan ko... and before i knew it buong batch na pala ang nakapagbasa n'on. Inspired with their positive comment about my piece, i decided to make another one. Nakatatlong story ako noong high school, pero hindi ko 'yon sinubmit kasi im afraid na ma-reject lang 'yon. At isa pa malay ko ba naman na wala naman palang required age ang pagsubmit ng story.

When i was in college, gumawa ulit ako ng isa pang story. Nahuli pa ako noon ng Prof ko sa Chem na si Mrs. Morales (ayan na ang pinanggalingan ng Morales sa pen name ko) asar na asar siya sa akin kasi di raw ako nakikinig sa lecture, kaya un naconfiscate ang notebook na pinagsusulatan ko. On the next day ng lecture namin with her, she gave it back to me and said "Marunong ka palang magsulat? Tapusin mo 'yan ha, tapos ipabasa mo sa akin." At ganoon nga ang ginawa ko. I let her read my manuscript, then she tried to convince me to submit it, sabi niya huwag ko raw sayangin ang talent ko. (Touch na touch ako sa sinabi niya, kasi po never na narinig ko 'yon sa mama ko. Kasi noong high school nang malaman ni Mama na nagsusulat ako pinagalitan ako ng bongga, kasi daw wala daw akong mapapala sa pagsusulat, ang gusto kasi ng mother ko maging doctor ako.) Pero hindi ako noon nakinig kay Mrs. Morales, sabi ko noon sa sarili ko "Paano naman niya nasabi na may talent nga ako eh hindi naman siya editor. Sa kanya pwede na pumasa ang story ko, pero sa totoong editor???" (Ganyan kababa ang self-confidence ko dati.)

Then nagsulat ulit ako ng bagong novel, Dreaming Star ang title. At ang story na 'yun ang talagang nagsimula ng lahat. After kong isulat iyon (ito po ang kauna-unahang sinulat ko na hindi sa notebook kundi sa computer na =)  ), tulad n'ong una ipinabasa ko 'yon kay Mrs. Morales at sa bestfriend kong si James. Si James po ang kumaladkad sa akin patungo sa isang publishing house para i-submit 'yon. Natatandaan ko pa na nagpustahan kami noon. Sabi ko kapag na-reject hindi na ako magsusulat at ililibre nya ako ng movie, sabi naman ni James kapag na-approve siya naman daw ang ililibre ko at ipagpapatuloy ko raw ang pagsusulat hanggang sa maging gurang na ako. Ang sabi n'ung tumanggap ng manuscript hintayin ko na lang daw ang tawag nila within two weeks. Two weeks akong naghintay pero walang tumawag. Bagsak ang balikat ng Atei ninyo. Then before matapos ang third week sinalubong ako ng excited na bantay ng dorm namin. She grabbed my shoulders and said (habang niyuyugyog ako) writer ka na bakla! Approved na daw ang manuscript mo!". Dream Star ang kauna-unahan kong published work, Jase Anne Molina ang pen name ko noon (Hindi po sa PHR yan kasi takot ako magsubmit sa PHR). Marami-rami pa ako nasulat after that pero sa ibang publishing house, kasi nga po takot ako sa PHR. Feeling ko kasi di papasa sa kanila ang mga sinusulat ko, kasi ibang level ang PHR eh at feeling ko di ko magagawang abutin ang level na 'yon.

2005 isang makulit kong kaibigan ang pumilit na sa akin na magsubmit sa PHR, ini-explain ko sa kanya kung bakit hindi ako nagsa-submit sa PHR. Ang sagot niya sa akin, "Yon nga eh, ibang level 'yon ayaw mo bang mag-grow as a writer? Mas maganda kung andun ka kasi lalong mahahasa ka sa pagsusulat?"

"Eh paano kung ma-reject?" tanong ko sa kanya.

"Di reject!" pakli ni Ate Lyn. 

"Takot ako, Ate. Baka ma-depress lang ako kapag di nila yan tinanggap!" tigas ng pag-iling ko noon.

After ko matapos isulat ang A PROMISE OF LOVE, inisip kong mabuti kong isa-submit ko ba iyon sa dati kong pinagsusulatan o sa Precious. At itong si Ate Lynn parang bubuyog na bumubulong sa akin na sa Precious. One week na tulala ang Atei ninyo at nag-iisip. Then nag-decide ako na magsubmit sa Precious (finally!), di ko in-inform si ate lynn kasi sabi ko kapag nareject atleast di nya alam (hehehe). So ayun pumunta akong mag-isa sa Precious office. Naligaw pa ako, nilakad ko mula dun s school sa may Biak na Bato hanggang sa office. Siguro iisipin nyo na ang gaga ko dapat nagtricycle ako, nag-trike naman ako nung una kaso shonga-shonga din un driver, di din daw nya alam ung address na un, kaya keysa uminit ang ulo ko nilakad ko na lang. Pagdating ko s Preciuos office, hulas na ang ganda ko! Si Miss Jane ang tumanggap ng manuscript ko, nanginginig pa talaga ako nang i-abot ko sa kanya ang folder na may laman ng MS ko. According to her two weeks din ang ipaghihintay ko.

Two weeks, but feeling ko two years na 'yon. Inip much talaga ako sa paghihintay. After two weeks, tumawag ako sa office. At 'yon kulang na lang sumirko-sirko ako sa tuwa nang sabihing approved na at kunin ko daw ang cheque ko after one week. Buong dorm namin ang nagbunyi d'on. Nagpainom pa nga 'yong isa kong dormate, todo support 'di ba??

One week later. I went to Precious office as instructed. Binigyan ako ng deed of sale at cheque at sabi gumawa daw ako ng 3 pen names na pagpipilian ni Sir Jun. I was pregnant that time (tunay na suwerte ang mga buntis!) and due ako ng september kaya naisip ko ang Sapphire (i was hoping kasi na babae ang magiging anak ko, kung naging babae si Raziel Jude malamang Sapphire Alarice ang pangalan niya ngayon). So nag-isip ako ng Pen names....
1. Lara Xavier
2. Sapphire Magallanes
3. ______ Morales (D ko na matandaan ung first name nito, parang Nathania 'ata)

Few weeks later nagsubmit ako ulit ng manuscript at ang sabi sa akin ni Miss Jane SAPPHIRE MORALES na nga raw ang napili ni Sir Jun. At siguro nga un talaga ang nakatadhanang maging name ko, ang birth stone ng anak ko at ang surname ng very supportive kong professor.

Iyon po ang simula ni Sapphire Morales. 2007 nagworkshop ako sa Precious but after n'on i decided to give up muna sa pagsusulat para sa pag-aaral ko. Sinubukan ko namang ituloy ang pagsusulat ko dati pero 'di talaga carry isabay sa studies. Masyado ako windang sa lectures at duty kaya un, isinakripisyo ko na muna ang pangrap ko na maging kilalang manunulat. Sabi ko noon after kong makapasa ng board exam babalik ako. Feb 2011 lumabas ng result ng board exam, pero di din ako nakapagsulat dahil kelangan ko mag-undergo ng mga training. Kaya udlot na naman n'on ang plano ko na bumalik.

September 2012. Sabi ko ito na talaga magsusulat na ako ulit. Kinalkal ko ang cabinet ko para hanapin ang mga plot na isinulat ko noon (kahit po nagpahinga ako ng 5 taon, kapag may idea na pumapasok sa akin isinusulat ko agad iyon at sinasabi ko sa sarili ko na kapag nagsulat na ako ulit, lahat un isusulat ko...) then i found two of my MS na isinubmit ko dati (2007) at for revision daw. Inayos ko 'yon. October 31, 2012 sinubmit ko 'yun (ipina-print ko pa kasi akala ko dati lang ang pagpasa un pala nakita ko sa likod ng PB na pwede nang through email..sayang pa ang pagpa-print hehehe). Sabi sa confirmation letter na nareceive ko from the editors, mag-follow up ako after one month. And again naramdaman ko 'yung anxiety na nafeel ko noong unang beses akong nag-submit sa PHR. After one month nagtext na ako para magfollow up. Approve ang CAUGHT UP IN RAPTURE, while 'yung isa for revision.. tuwang-tuwa ang Atei ninyo. =)     December 2012 isang napakagandang opportunity din ang ipinagkaloob sa akin ng Precious when they invited me to join the brainstorming. Noong una di ko alam kung sasama ako kasi bukod sa galing ako ng duty n'un ay nahihiya din ako. 

Nang isubmit ko ang next MS ko last december, sabi ko sa sarili ko, eto na ito wala ng atrasan. Itutuloy ko na talaga ito. Kung noon isa sa mga dahilan ng paghinto ko sa pagsusulat bukod sa studies ko ay ang sunod-sunod na reject at revision, ngaun kahit ilan pang rejection at revision ang matanggap ko di na ako hihinto. Ito ang pangarap ko. I was born to become a writer, alam ko 'yun noon pa. At tulad nga ng sinasabi ko palagi "God doesn't give you the desire without the talent to back it up"...

Im thankful that after so many years natanggap na ng mother ko ang pangarap kong iyon. At take ko na rin ang moment na ito para mag-thank you sa mga kaibigan ko na alam kong buong-buo ang suporta sa akin. Guys, since high school naniwala na kayo sa kakayahan ko, thank you. At nagpapasalamat din ako sa Precious Pages Corporation (mula kay Sir Jun, Mam Edith, Miss Agnes, at sa iba pang editors) thank you po sa pagbibigay ninyo sa akin ng another chance to fulfill my dreams. At sa readers na rin na bumili ng unang nobelang nagawa ko sa pagbabalik ko... Salamat... Maraming-maraming salamat po. (Naiiyak na ako.. promise)




yan po ang kwento ko.. sensya na napahaba.. ;)