On my way home from our brainstorming/workshop (while nasa
taxi ako), ni-replay ko sa utak ko ang mga nangyari at napag-usapan namin kanina.
It was an interesting topic, indeed. Natutuwa
ako na binibigyan kami ng chance ng publishing na mag-experiment at i-try na
palawakin ang skills namin sa pagsusulat.
Kanina binigyan nila kami ng activity. We need to come up with
a story in 15 minutes gamit `yong tatlong…ano bang tawag dun? Material? Idea? Idea…
Isang nabubulag, isang sirkera at isang taxi… challenging `di ba? and the story
should be sensual and mature. The story that I came up to wasn’t that good (for
me, ewan ko sa kanila.. kasi naman 15minutes nakakaloka bumuo ng story sa
ganoon kaikli na time) pero natawa ako (at pati na rin sila Sir) dun sa ginawa
kong ending, pinapangit ko kasi `yong heroine. But my point was, dun ko
ipapasok `yong realization no’ng heroine na mahal lang talaga siya ng hero.
Pero sabi ni Sir Jun, “very brave ang idea ko”… ang tanong ano ibig niyang
sabihin doon? Was that a compliment? (Ayaw ko nang alamin.. LOL! Basta for me
may something sa sinabi niya =P)
Anyway, `yon nga noong pauwi ako, I asked myself “kaya ko na
bang lumabas sa comfort zone ko?” My editor told me na kaya ko (mas greater ang
faith nya sa akin keysa sa meron ako sa sarili ko). There are lots of ideas/plots
na pumasok sa isip ko sa five years na ipinagpahinga ko sa pagsusulat… may
fantasy (sefethavia), family oriented (Eba), drama (withered rose), sensual
(Kiko’s Mistress) etc.. Lahat sila may synopsis na at naghihintay na lang na
isulat ko.. but since nasanay ako sa genre ng romance takot akong gawin kaya
hanggang ngayon synopsis pa rin sila..
pero andoon sa isang bahagi ng utak ko ang nagsasabi na lumabas ka
lumabas ka! pero paano ko gagawin, `yon ang `di ko alam… hayzt.. ang hirap ng
ganito.. nasabi ko na ba na isa sa mga greatest and wildest dream ko mula pa
noong 16 years old ako ay ang maging
Palanca Awardee? Haha.. paano kaya mangyayari `yon kung ganito naman kalaki ang
takot sa dibdib ko? ultimo sa pagsasalita kanina para ikwento ang nagawa kong
story nanginginig ako.. hahaha.. mukha lang makapal ang mukha ko pero sa totoo
lang mahiyain ako.. super…
…ayun.. nakakaloka.. pero kelangan ko itong pag-isipan..
No comments:
Post a Comment