Released: July 2, 2013
“Akala ko, sapat na sa akin `yong mag-isa ako. Akala ko, kompleto na ako basta kasama ko lang ang pamilya at mga kaibigan ko. Pero dumating ka… I don’t know how you did it, but you changed me.”
Limang taon na ang nakalilipas mula nang mabigo at masaktan si Enrico, dahilan para mahirapan siyang buksan uli ang kanyang puso sa ibang babae. Until he met Anezka. Makulit, carefree, at bubbly si Anezka pero pagdating sa mga lalaking nanliligaw ay ilag ito.

At hindi napigilan ni Enrico ang sariling ma-attract dito.
Nang sabihin niya rito ang nararamdaman niya ay umamin din ito na may feelings ito sa kanya. Ang problema ay ayaw naman nito ng commitment kaya pinilit niya ang sariling makontento sa kung anumang mayroon sila sa ngayon. But he gave his best to prove to her that he deserved her love.
Akala niya ay maayos na ang lahat sa pagitan nila, pero dumating ang isang Reagan Benitez. Hindi niya alam kung sino ang lalaki sa buhay ng dalaga, pero nasisiguro niyang si Reagan ang dahilan ng panlalamig ni Anezka sa kanya.
Ngayon lang uli siya nagmahal at hindi niya basta isusuko si Anezka nang ganoon kadali.
No comments:
Post a Comment