“From the very start, ipinaramdam ko na sa `yo na mahal kita. Ano pa ba ang kulang to make you feel secure?”
Wala sa plano ni Kristine na ma-involve sa kahit kaninong lalaki. Kaya nga kung kani-kanino na siya ipinapa-date ng mga kaibigan niya pero wala pa ring nangyayari. Kulang na lang din ay ipagtulakan siya ng mga magulang niya para makipagrelasyon. Pero nanatiling nakatuon sa career ang atensiyon niya. She enjoyed being single. Sabi nga niya, “No commitment, no complications.”
Hanggang sa makilala niya si Richmond, ang bagong prospect ng mga kaibigan niya na i-match sa kanya. Kahit anong pagtataray ang gawin niya ay hindi iyon naging hadlang para ituloy ni Richmond ang panliligaw sa kanya. Para dito, isa siyang challenge na hindi nito puwedeng palampasin.
And he succeeded.
Kristine was starting to fall for Richmond when Shantal came. At tila walang balak ang babae na tigilan ang paghadlang sa pagmamahalan nila ni Richmond.
Hindi pa man sila nagkakarelasyon, problema na agad ang hatid ng lalaki. Sabi na nga niya, “No commitment, no complications.”
Saturday, May 25, 2013
Friday, May 24, 2013
The Beginning
Trip ko lang po i-kwento ang story ko Kung interesado po kayo then basahin ninyo, kung hindi naman ok lang, im not insisting naman na uou read this.. =)
To begin with... I used to write poems and short stories and even script for our school plays back in high school... Dun ko nadiscover na may talent ako sa pagsusulat. Akala ko kasi before ang talent ko pag-draw at pag-paint kaya naman nung elementary ako nag-enroll pa ako sa isang art workshop, tapos inisip ko din na may talent ako sa pagkanta (pero sabi nga ng tatay ko: "Magtigil ka nga sa pagkanta! Daig mo pa ang palaka kung makakokak!), tapos sa pagsayaw (ito positive naman ng konti, hahaha.. Oi Dance Empress ito nung college ha!). Ayun po sa tinagal-tagal ng panahon nalaman ko na may natatago akong talento sa pagsusulat.
back in high school all my friends were sobrang addict sa PB. Yung tipong akala mo nagbabasa ng libro un pala dun kasi nakaipit ang PB. Then one of them (Ate Jo) told me na "gumawa ka rin kaya ng ganito?" sabay abot niya sa akin ng isang pocketbook ni Martha Cecilia. That was my first time na magbasa ng PB, kasi po bawal un s house namin, sinusunog ng mama ko ang mga PB ng tita ko dati, kasi daw abala daw un sa pag-aaral. (Balik tau sa kwento)...After ko mabasa ang unang PB na un, humiram pa ako ng 2 pa. Pinag-aralan ko ang format at pati na rin ang pag-deliver ng lines, point of view, etc.. At saka ko sinimulan ang kauna-unahang nobela ko, it's about Giancarla and Bernard (d ko na ma-dig s memory ko ung title). It took me 2 months to finish my first story, after n'on ipinahirap ko 'yon sa mga kaibigan ko... and before i knew it buong batch na pala ang nakapagbasa n'on. Inspired with their positive comment about my piece, i decided to make another one. Nakatatlong story ako noong high school, pero hindi ko 'yon sinubmit kasi im afraid na ma-reject lang 'yon. At isa pa malay ko ba naman na wala naman palang required age ang pagsubmit ng story.
When i was in college, gumawa ulit ako ng isa pang story. Nahuli pa ako noon ng Prof ko sa Chem na si Mrs. Morales (ayan na ang pinanggalingan ng Morales sa pen name ko) asar na asar siya sa akin kasi di raw ako nakikinig sa lecture, kaya un naconfiscate ang notebook na pinagsusulatan ko. On the next day ng lecture namin with her, she gave it back to me and said "Marunong ka palang magsulat? Tapusin mo 'yan ha, tapos ipabasa mo sa akin." At ganoon nga ang ginawa ko. I let her read my manuscript, then she tried to convince me to submit it, sabi niya huwag ko raw sayangin ang talent ko. (Touch na touch ako sa sinabi niya, kasi po never na narinig ko 'yon sa mama ko. Kasi noong high school nang malaman ni Mama na nagsusulat ako pinagalitan ako ng bongga, kasi daw wala daw akong mapapala sa pagsusulat, ang gusto kasi ng mother ko maging doctor ako.) Pero hindi ako noon nakinig kay Mrs. Morales, sabi ko noon sa sarili ko "Paano naman niya nasabi na may talent nga ako eh hindi naman siya editor. Sa kanya pwede na pumasa ang story ko, pero sa totoong editor???" (Ganyan kababa ang self-confidence ko dati.)
Then nagsulat ulit ako ng bagong novel, Dreaming Star ang title. At ang story na 'yun ang talagang nagsimula ng lahat. After kong isulat iyon (ito po ang kauna-unahang sinulat ko na hindi sa notebook kundi sa computer na =) ), tulad n'ong una ipinabasa ko 'yon kay Mrs. Morales at sa bestfriend kong si James. Si James po ang kumaladkad sa akin patungo sa isang publishing house para i-submit 'yon. Natatandaan ko pa na nagpustahan kami noon. Sabi ko kapag na-reject hindi na ako magsusulat at ililibre nya ako ng movie, sabi naman ni James kapag na-approve siya naman daw ang ililibre ko at ipagpapatuloy ko raw ang pagsusulat hanggang sa maging gurang na ako. Ang sabi n'ung tumanggap ng manuscript hintayin ko na lang daw ang tawag nila within two weeks. Two weeks akong naghintay pero walang tumawag. Bagsak ang balikat ng Atei ninyo. Then before matapos ang third week sinalubong ako ng excited na bantay ng dorm namin. She grabbed my shoulders and said (habang niyuyugyog ako) writer ka na bakla! Approved na daw ang manuscript mo!". Dream Star ang kauna-unahan kong published work, Jase Anne Molina ang pen name ko noon (Hindi po sa PHR yan kasi takot ako magsubmit sa PHR). Marami-rami pa ako nasulat after that pero sa ibang publishing house, kasi nga po takot ako sa PHR. Feeling ko kasi di papasa sa kanila ang mga sinusulat ko, kasi ibang level ang PHR eh at feeling ko di ko magagawang abutin ang level na 'yon.
2005 isang makulit kong kaibigan ang pumilit na sa akin na magsubmit sa PHR, ini-explain ko sa kanya kung bakit hindi ako nagsa-submit sa PHR. Ang sagot niya sa akin, "Yon nga eh, ibang level 'yon ayaw mo bang mag-grow as a writer? Mas maganda kung andun ka kasi lalong mahahasa ka sa pagsusulat?"
"Eh paano kung ma-reject?" tanong ko sa kanya.
"Di reject!" pakli ni Ate Lyn.
"Takot ako, Ate. Baka ma-depress lang ako kapag di nila yan tinanggap!" tigas ng pag-iling ko noon.
After ko matapos isulat ang A PROMISE OF LOVE, inisip kong mabuti kong isa-submit ko ba iyon sa dati kong pinagsusulatan o sa Precious. At itong si Ate Lynn parang bubuyog na bumubulong sa akin na sa Precious. One week na tulala ang Atei ninyo at nag-iisip. Then nag-decide ako na magsubmit sa Precious (finally!), di ko in-inform si ate lynn kasi sabi ko kapag nareject atleast di nya alam (hehehe). So ayun pumunta akong mag-isa sa Precious office. Naligaw pa ako, nilakad ko mula dun s school sa may Biak na Bato hanggang sa office. Siguro iisipin nyo na ang gaga ko dapat nagtricycle ako, nag-trike naman ako nung una kaso shonga-shonga din un driver, di din daw nya alam ung address na un, kaya keysa uminit ang ulo ko nilakad ko na lang. Pagdating ko s Preciuos office, hulas na ang ganda ko! Si Miss Jane ang tumanggap ng manuscript ko, nanginginig pa talaga ako nang i-abot ko sa kanya ang folder na may laman ng MS ko. According to her two weeks din ang ipaghihintay ko.
Two weeks, but feeling ko two years na 'yon. Inip much talaga ako sa paghihintay. After two weeks, tumawag ako sa office. At 'yon kulang na lang sumirko-sirko ako sa tuwa nang sabihing approved na at kunin ko daw ang cheque ko after one week. Buong dorm namin ang nagbunyi d'on. Nagpainom pa nga 'yong isa kong dormate, todo support 'di ba??
One week later. I went to Precious office as instructed. Binigyan ako ng deed of sale at cheque at sabi gumawa daw ako ng 3 pen names na pagpipilian ni Sir Jun. I was pregnant that time (tunay na suwerte ang mga buntis!) and due ako ng september kaya naisip ko ang Sapphire (i was hoping kasi na babae ang magiging anak ko, kung naging babae si Raziel Jude malamang Sapphire Alarice ang pangalan niya ngayon). So nag-isip ako ng Pen names....
1. Lara Xavier
2. Sapphire Magallanes
3. ______ Morales (D ko na matandaan ung first name nito, parang Nathania 'ata)
Few weeks later nagsubmit ako ulit ng manuscript at ang sabi sa akin ni Miss Jane SAPPHIRE MORALES na nga raw ang napili ni Sir Jun. At siguro nga un talaga ang nakatadhanang maging name ko, ang birth stone ng anak ko at ang surname ng very supportive kong professor.
Iyon po ang simula ni Sapphire Morales. 2007 nagworkshop ako sa Precious but after n'on i decided to give up muna sa pagsusulat para sa pag-aaral ko. Sinubukan ko namang ituloy ang pagsusulat ko dati pero 'di talaga carry isabay sa studies. Masyado ako windang sa lectures at duty kaya un, isinakripisyo ko na muna ang pangrap ko na maging kilalang manunulat. Sabi ko noon after kong makapasa ng board exam babalik ako. Feb 2011 lumabas ng result ng board exam, pero di din ako nakapagsulat dahil kelangan ko mag-undergo ng mga training. Kaya udlot na naman n'on ang plano ko na bumalik.
September 2012. Sabi ko ito na talaga magsusulat na ako ulit. Kinalkal ko ang cabinet ko para hanapin ang mga plot na isinulat ko noon (kahit po nagpahinga ako ng 5 taon, kapag may idea na pumapasok sa akin isinusulat ko agad iyon at sinasabi ko sa sarili ko na kapag nagsulat na ako ulit, lahat un isusulat ko...) then i found two of my MS na isinubmit ko dati (2007) at for revision daw. Inayos ko 'yon. October 31, 2012 sinubmit ko 'yun (ipina-print ko pa kasi akala ko dati lang ang pagpasa un pala nakita ko sa likod ng PB na pwede nang through email..sayang pa ang pagpa-print hehehe). Sabi sa confirmation letter na nareceive ko from the editors, mag-follow up ako after one month. And again naramdaman ko 'yung anxiety na nafeel ko noong unang beses akong nag-submit sa PHR. After one month nagtext na ako para magfollow up. Approve ang CAUGHT UP IN RAPTURE, while 'yung isa for revision.. tuwang-tuwa ang Atei ninyo. =) December 2012 isang napakagandang opportunity din ang ipinagkaloob sa akin ng Precious when they invited me to join the brainstorming. Noong una di ko alam kung sasama ako kasi bukod sa galing ako ng duty n'un ay nahihiya din ako.
Nang isubmit ko ang next MS ko last december, sabi ko sa sarili ko, eto na ito wala ng atrasan. Itutuloy ko na talaga ito. Kung noon isa sa mga dahilan ng paghinto ko sa pagsusulat bukod sa studies ko ay ang sunod-sunod na reject at revision, ngaun kahit ilan pang rejection at revision ang matanggap ko di na ako hihinto. Ito ang pangarap ko. I was born to become a writer, alam ko 'yun noon pa. At tulad nga ng sinasabi ko palagi "God doesn't give you the desire without the talent to back it up"...
Im thankful that after so many years natanggap na ng mother ko ang pangarap kong iyon. At take ko na rin ang moment na ito para mag-thank you sa mga kaibigan ko na alam kong buong-buo ang suporta sa akin. Guys, since high school naniwala na kayo sa kakayahan ko, thank you. At nagpapasalamat din ako sa Precious Pages Corporation (mula kay Sir Jun, Mam Edith, Miss Agnes, at sa iba pang editors) thank you po sa pagbibigay ninyo sa akin ng another chance to fulfill my dreams. At sa readers na rin na bumili ng unang nobelang nagawa ko sa pagbabalik ko... Salamat... Maraming-maraming salamat po. (Naiiyak na ako.. promise)
yan po ang kwento ko.. sensya na napahaba.. ;)
Subscribe to:
Posts (Atom)