“Sana ang puso katulad ng kotse na puwedeng mag-detour. Para kapag nahihirapan nang dumaan sa highway, puwedeng umiwas.”
Desperado na si Ivan na makakita ng perpektong modelo para sa bagong magazine na ilo-launch ng kanilang kompanya. Ilang baguhang modelo at artista na ang ipinrisinta niya sa editor niya at sa publisher ng magazine pero walang pumapasa sa panlasa ng mga ito. Ang dapat daw ay fresh face.

Hanggang sa matagpuan niya ang hinahanap sa katauhan ni Samara, ang simple at kulang sa self-confidence na dalagang nag-intermission number sa isang beauty pageant sa hometown niya sa Bicol nang minsang makuha siya para mag-judge sa patimpalak. He helped her to develop self-esteem.
And eventually Samara bloomed.
Pero ano’ng nangyari at tila nagbago ang isip niya? Ngayon ay gusto na lamang niyang itago ito at angkinin ang kagandahan nito.